DPWH magsasagawa ng inspection sa itatatag na North Expressway

Posted on | Saturday 18 June 2011 | No Comments

by Mari Cruz

Muling magsasagawa ng inspection ang Department of Public Works and Highways sa itatatag na North Expressway partikular sa tri-boundaries ng Pozzorubio sa Pangasinan; Rosario, La Union; at lalawigan ng Benguet.


Sa lingguhang palatuntunan sa Radyo ng Bayan na “Ang Bayan at ang Kongreso,” inihayag ni Baguio City Congressman Bernardo Vergara na kaisa siya sa isasagawang inspection upang masigurong hindi maisasantabi ang ipinanukala niyang by- pass road patungo sa Kennon road at hindi sa ipinanukalang linkage na susulpot sa diversion road ng Palispis-Aspiras highway.

Ayon kay Vergara, ito ay resulta ng pagsusuri ng Department of Public Works and Highway (DPWH) sa layuning mapaikli ang oras ng paglalakbay ng mga sasakyang magtutungo sa lalawigan ng Benguet at lungsod ng Baguio.

Makakasama niya sa isasagawang inspection sina 5th district Pangasinan Congressman Mark Cojuangco, Congressman Ortega ng La Union, at mga kinatawan ng DPWH.


Samantala, mariing itinanggi ni Vergara na may nagaganap na treasure hunting sa Rose garden kasabay ng ginagawang rehabilitasyon sa nasabing lugar.

Sinabi pa niya na ang ginagawang paghuhukay ay bahagi ng total rehabilitasyion ng parke na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Matatandaan na pinuna ng ilang indibidual ang nagaganap na excavation at ang paglalagay ng mataas na bakod sa parke. (JDP/MC-PIA CAR)

Comments

Leave a Reply

Search

Archives