COURAGE nanawagan ng supporta para sa dagdag sahod
Posted on | Tuesday, 21 June 2011 | No Comments
by Mari Cruz
Nanawagan ang Confederation for unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan sa lungsod ng Baguio at iba pang lalawigan sa rehiyong Cordillera na makiisa at suportahan ang panawagang dagdag sahod ng mga naglilingkod sa pamahalaan.
Sa isang panayam sa Radyo ng Bayan kay COURAGE national president Ferdinand Gaite, hinikayat nito ang lahat ng kawani ng pamahalaan na magbuo ng mga union o samahan kung wala pang nabubuo sa kanilang tanggapan, at kung mayroon naman aniya ay maging aktibo sa layunin ng COURAGE na maisulong ang P6,000 na dagdag na minimum pay sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Gaite na mas magiging malakas ang laban sa dagdag sahod ng mga manggagawa at kawani sa pribado at pampublikong sektor kung mahigpit ang ugnayan nito sa pakikibaka ng dagdag suweldo.
Sa kasalukuyan aniya ay umaabot sa 50,000 ang kanilang mga pirmang nakalap na sumusuporta sa dagdag sahod at may 20 kongresista na ang nangakong tutulong upang maisakatuparan ang naturang adhikain.
Idinagdag pa ni Gaite na kabilang si Saranggani Congressman Manny Pacquiao at maging si Senator Bong Revilla ay sumusuporta sa nasabing adhikain ng COURAGE.*(JDP/MC-PIA CAR)

Category:
Baguio City
Comments
Search
Archives
-
►
2013
(7)
- ► 07/07 - 07/14 (3)
- ► 06/09 - 06/16 (4)
-
▼
2011
(325)
-
▼
06/19 - 06/26
(11)
- BSU obtains highest level performance by CHED
- Solon wants more grassroots consultations on autonomy
- Ifugao Disaster Council submits plan to SP for app...
- DOLE Cordillera has P355,000 for 'Balik Pinay' pro...
- Registration for 2011 DepEd - ALS Accreditation & ...
- PNoy hails Ifugao on its 45th anniversary
- Taba-ao Students’ Day: A vehicle to Excellence, Le...
- COURAGE nanawagan ng supporta para sa dagdag sahod
- Besao requires pre-marriage counseling certificate...
- Apayao remains the most peaceful province in the C...
- Tabuk City set to implement “cash for work, cash f...
- ► 06/12 - 06/19 (37)
- ► 06/05 - 06/12 (9)
- ► 05/22 - 05/29 (11)
- ► 05/15 - 05/22 (10)
- ► 05/08 - 05/15 (14)
- ► 05/01 - 05/08 (9)
- ► 04/24 - 05/01 (24)
- ► 04/17 - 04/24 (19)
- ► 04/10 - 04/17 (19)
- ► 04/03 - 04/10 (44)
- ► 03/27 - 04/03 (33)
- ► 03/20 - 03/27 (48)
- ► 03/13 - 03/20 (37)
-
▼
06/19 - 06/26
(11)
Leave a Reply